Aringkingking

Valentines Day

Ang cool ng araw na to. HAHA
Lahat ng labas ng school, may nagbebenta ng kung ano-ano.
Mga flowers, bears, chocolates na kulay pula. Basta mga kulay pula lahat.

Pero wala na akong pake dun.

Ang pinaka-cute na nakita ko talaga ay yung mga bata.
Yung mga batang lalaking may dala-dalang bulaklak bago sila pumasok.
Parang nag-usap usap sila eh.
Bibigyan siguro nila yung teachers nilang matatandang dalaga. HAHAHA!

Pero may mga nakita rin akong mga batang babaeng may hawak hawak na bulaklak.
Hindi ko nga lang alam kung may nagbigay talaga sakanila nun.
Or baka binili lang nila sa tindahan para hindi sila asarin ng iba nilang kalaro na walang nagmamahal sakanila.

Nakakatuwa sila. HIHI

(Source: maixmaixmaix)

  1. emptymind13 reblogged this from maixmaixmaix
  2. maixmaixmaix posted this