Aringkingking

Mud Skating

Ang sunken garden kagabi, parang naging isang malaking MUD SKATIING RINK!
Kamusta naman kasi yung pag-ulan diba?
Sumakto pa talaga kung kailan kami pupunta.

Pag dating namin sa sunken, may nakita kaming mga babaeng binubuhat ng lalake.
Mga taong hawak-hawak na lang ang tsinelas at nakayapak.
Mga sapatos at sandals na puro putik.

Kapag naglalakad ang mga tao, parang naglalakad sa moon. HAHA
Ang cool eh. Lulubog ka muna bago ka makapunta sa destinasyon mo.

Gayunpaman, sobrang enjoy pa rin.
Ang ganda ng line-up eh.
Sunod-sunod puro mainstream bands. HAHA

Nadagdagan na rin yung mga rides.
Yung flying fiesta na sobrang bilis na parang feeling ko, pag sumakay ka, iikot talaga mundo mo.
Yung caterpillar na malapit sa exit.
At yung pinakamalupit, yung spaceship papuntang outerspace.

Hindi na rin pala masyadong gumagawa ng bilog yung mga JJIB. HAHA
Kasi, kapag gumagawa sila ng eksena, nilalapitan agad sila ng mga guards.
Buti may ganun na. Mas enjoy na ang UPFAIR.
Ang galing ng nakaisip nun.
At infairness. May itsura ang mga guards.

Ang malupit pa dun, nung nagpunta kami, 5 kami.
Tapos nung kalagitnaan, naging dalawa na lang kami.
Dalawa lang kami ni Mich nagwawala sa gitna ng kaputikan. HAHAHA!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang experience na to.

MUD SKATING + FOOD TRIP + BANDS = HAPPINESS! :))

(Source: maixmaixmaix)

  1. maixmaixmaix posted this