3 Days 2 Nights

Dapat talaga 2 days 1 night lang ang “bakasyon” namin. HAHA. Pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Naging 3 days 2 nights. Kaya sobrang nasulit namin yung mga pinuntahan namin. Medyo nakakapagod nga eh. Kaya ang sarap matulog sa puting buhangin, samahan mo pa ng masarap na simoy ng hangin at yung maalat na amoy ng dagat. SAAARAAAAP!

Nung nasa dagat kami, wala kaming naisip na kahit anong problema. Lahat nawala. AS IN LAHAT! Totoo pala yung ganun no. Yung makakalimutan mo yung mga problema mo kahit sa maikling panahon. Ito nga siguro yung tinatawag na ‘gate theory of pain’. Naks. May naalala pa ko sa Psych. HAHA. Ang sarap lang sa pakiramdam. Yung wala ka nang pakielam sa ibang mga bagay sa buhay mo. Yung nag-eenjoy ka lang talaga sa dagat kasama yung mga kaibigan mo. Ang sarap! Tapos pagbalik ko dito sa Maynila, parang hindi ko na alam yung mga nangyayari. Ganun pala yung feeling. Yung wala kang balita sa mga kilala mo dito. Yung mga pinag-uusapan nila, parang hindi ka na makarelate. HAHA.

Pero ngayon, Kailangan ko na namang bumalik sa reyalidad. Problema dito. Problema doon. Pero atleast, naging sobrang masaya ako kahit sa maiksing panahon.

(Source: maixmaixmaix)

Notes

  1. maixmaixmaix posted this