Day 3 - Burot Beach

Nagising kami ng mga 5:30am? Almusal almusal din. Tapos swimming na ulit. HAHA. Uuwi na kasi kami ng tanghali kaya sinulit na naman yung oras.


Medyo hindi pa sumisikat yung araw. Kaya siguro malamig pa nung oras na to.


Ito nga pala yung bahay namin, ay tents pala. HAHA. Ang gulo no?

Tapos nagstarfishing na naman kami. Actually, hindi naman talaga kami yung nakahanap nung starfish. Yung mga bata yung kumuha tapos nagpapicture na rin kami para may remembrance. HIHI


Oh diba. Kala mo samin yung starfish eh.

Tapos lumangoy na naman kami. Pero bago kami magswimming, chinecheck muna namin yung paligid ng paglalanguyan namin kasi baka may jellyfish na bigla na lang magsting samin. Medyo active kasi yung dagat eh. May jellyfish saka Sea Urchins pa. Kaya hindi rin ako masyado nakalangoy kasi natatakot ako. Kahit sinasabi nung mga bata na walang sting yung jellyfish dun, wala akong pake. Kahit hinahawakan na nila pero hindi sila nassting, wala pa rin akong pake. Basta takot ako. Tsaka mabuti na rin yung sigurado. Para iwas disgrasya. Mahirap din kasi magrisk eh.

Sumakay nga pala kami sa bangka papunta dun sa may sand bar. 30php yung bayad. Pero dahil mataba si Mich, naging bente lang yung bayad namin. HAHA. De, kasi nung day 2 namin, sumakay na kami dun kaya nung day 3, binigyan kami ng discount ni Kuya.

Maganda naman dun sa sand bar, buhangin sa paligid ng tubig dagat. Pero hindi masyadong litaw yung sand eh. Siguro kasi mataas pa rin yung tubig kahit low tide na or konti lang talaga siguro yung sand kaya hindi masyadong litaw.


Lakas lang namin maka-angkin ng bangka. HAHA!


Nagsuperbass nga rin pala kami sa dito. HAHA!

Oo. Nagsuperbass kami sa trip na ‘to. Nakakatuwa kasi yung version ni Vice Ganda ng Super Bass eh. Kaya ayun, gaya gaya naman kami. Eto nga pala yung link nung video. HIHI, Pagpasensiyahan niyo na lang kasi hindi naman talaga kami tunay na dancer. Lakasan lang naman ng loob yan eh!

Pagkatapos ng sobrang nakakapagod pero masayang getaway, syempre kailangan na naman naming bumalik sa reyalidad. Uuwi na kami. :( Medyo bitin nga eh. Kasi ewan ko, parang kuntento na ko sa lugar na yun. Pero hindi ko yata kaya ng walang internet. 3 HAHA!

Kung ako yung tatanungin, mas masarap magbakasyon sa isang lugar na wala gaanong technologies. Yung walang tv saka internet. Dun mo talaga mararamdaman yung lugar. Dun mo lang talaga mararamdaman yung feeling nang masayang buhay. Basta, dun mo mararamdaman na mas masaya pala yung simpleng pamumuhay lang. Yung walang problema. Yung masaya lang. Yung puro magagandang bagay lang yung nakikita mo.

At para tapusin ang post na ito, pinapakilala ko nga pala sa inyo ang pinakamaganda kong kaibigan..

Shiela Marie Curob


ang super hot babe ng MRB.

(Source: maixmaixmaix)

Notes

  1. maixmaixmaix posted this